Patas na Pagtingin Hatol na Makatwiran

Bakit nga ba tingin sa amin ay masama? Sa pinili naming buhay at sa suot tila may galit silang kinikimkim. Lubhang masakit sa loob na maging isang Laykong Agostino Descalzo sa aming parokya. Bakit ko nga ba nasabi. Di ka nila bibigyang laya na ipahayag ang pagaalay ng iyong sarili di sila marunong sumaya sa tagumpay at pagsusumikap ng kapwa na magpakabanal. Paningin nila'y tuon sayo na nagsusumikap na tumalima sa kalooban ng DIYOS sa halip na ituon ang mata sa talagang kailangan ng solusyon. 


Hindi bat sa dinami dami ng nararapat ayusin iyon ang dapat pagtuunan ng pansin? Mga kasuutang tila nasa bahay lamang maiksi pa sa maiksi mga kakulangan ng kilos o pakikisa ng mananampalataya pag gamit ng telepono sa misa, pagkukwentuhan, pag saway kahit pa sa mga nakasumbrero. Ilan lang yan sa dapat bigyan ng prayoridad sa pagsasaayos ng simbahan ngunit ang nakita nila ay ang nagsusumikap na maglingkod nagsasakripisyo sa ilalim ng abito. Bakit ganito? Bakit ganyan? Tanungan animo'y may paglapastangang walang pangalawa na nagawa sa simbahan pangmamata at paga ayaw. Tinatanggap ng mga gaya ko na wala namang ibang layunin kundi mag lingkod. Oh ano na nga ba ang nangyari sa iyo sintang parokya di mo na ba maisabuhay ang aral ng iyong Dakilang Patron. Bakit may panahon ka sa pag uyam habang may mga bagay kang dapat na gawin? 

Comments

Popular posts from this blog

IS IT REALLY ESSENTIAL TO HAVE A NATIONAL LANGUAGE?