Posts

Showing posts from February, 2024

Patas na Pagtingin Hatol na Makatwiran

Image
Bakit nga ba tingin sa amin ay masama? Sa pinili naming buhay at sa suot tila may galit silang kinikimkim. Lubhang masakit sa loob na maging isang Laykong Agostino Descalzo sa aming parokya. Bakit ko nga ba nasabi. Di ka nila bibigyang laya na ipahayag ang pagaalay ng iyong sarili di sila marunong sumaya sa tagumpay at pagsusumikap ng kapwa na magpakabanal. Paningin nila'y tuon sayo na nagsusumikap na tumalima sa kalooban ng DIYOS sa halip na ituon ang mata sa talagang kailangan ng solusyon.  Hindi bat sa dinami dami ng nararapat ayusin iyon ang dapat pagtuunan ng pansin? Mga kasuutang tila nasa bahay lamang maiksi pa sa maiksi mga kakulangan ng kilos o pakikisa ng mananampalataya pag gamit ng telepono sa misa, pagkukwentuhan, pag saway kahit pa sa mga nakasumbrero. Ilan lang yan sa dapat bigyan ng prayoridad sa pagsasaayos ng simbahan ngunit ang nakita nila ay ang nagsusumikap na maglingkod nagsasakripisyo sa ilalim ng abito. Bakit ganito? Bakit ganyan? Tanungan animo'y may pa...